|
Tao lang
Sunday, October 31, 2004 Hindi ba't nakatutulili sa tainga ang marinig mo mula sa isang katabi ang katagang, "Sorry tao lng, Nagkakamali din?" Ha? Ano daw? Ikaw na aking katabi, sa tingin mo ba'y nararapat na sabihin iyon ng isang taong marunong magisip? Naroon na ako, isa sa mga pagkakaiba ng tao sa Diyos ang kahinaan ng una na pigilang magkasala Ngunit abusado na ang pagdadahilang ito. Madali at napakakombinyente ang sabihing, "Tao lang, nagkakamali." Binabati kita kaibigan, napalusutan mo na naman ang iyong kalokohan. Di nila ito napansin. Tao ka LANG tama? Nagkakamali rin. Haay! kung ang pagiisip mo ay tulad nang sa iba, aba'y para saan pa ang batas? "Tao lang ako mahina. Sorry ha napatay ko cxa" "ah pasencxa na, ginahasa ko ang aking anak. Di ko matiis eh." O gusto mo pa ng iba... "Ay, oo, ako yung nagnakaw sa inyo kahapon, Sorry ha, tao lng, nangangailangan kasi ako eh" Ano nga ba ang pakelam ko? Tao ka lng. Tao din ako. Parehong pinanggalingan. Pareho ang hahantungan. Ang tanging pagkakaiba, tao ka LANG, tao AKO. :hango sa "Clarion" :isinulat ni rain |
![]() Henshin I am the man who would walk the path of heaven -tendou- big-bang October 2004 November 2004 March 2007 April 2007 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 multiverse potch gayle katleya kamaru lace tina bang chit don pedro red aika dee cam k.lo prixilluh deinz miku graciella kat-kat michiko Worm hole engadget deviantart skirmisher failblog ultimate-guitar pinoy channel anijunkie one manga mysoju codamon henshin justice superherohype modmyi tysiphonehelp credits Design: adjutant08 basecode: Jane tools
|