|
kili kili power...
Tuesday, February 10, 2009 Para maiba naman magpopost naman ako sa wikang tagalog... Noong linggo pinuntahan ko ang kaibigan kong si Chris sa kaniyang trabaho. Hinintay ko syang lumabas ng trabaho at nagplano kaming manood ng sine. Pagkadating namin sa sinehan ay hindi namin alam kung anong pelikula ang aming papanoorin. Nagsuggest ang kaibigan ko na panoorin na lang daw namin ang pelikulang nagngangalang "Push" na pinagbibidahan ng artistang gumanap na "Human Torch" sa pelikalang "Fantastic 4" na hindi ko alam ang pangalan. Noong una ang akala ko ay hindi ko magugustuhan ang pelikulang ito base narin sa mababang "ratings" na ibinigay dito ng mga kritiko. Ngunit ng matapos naming panoorin ang pelikula, Isa lang ang masasabi namin ng kaibigan ko, "Ang pelikulang ito ay asteeg". Ang istorya nito ay umiikot sa mga taong me espesyal na kakayahan na nais gamitin ng gobyerno para sa sarili nilang mga kapakanan. Alam ko na karamihan sa inyo ay iisipin at sasabihin na hindi na bago ang istoryang ganito. Pero kung paniniwalaan nyo ako, masasabi kong ibang iba ito sa mga nakita at mga napanood nyo na. Ang mga taong me espesyal na kakayanan sa pelikulang ito ay nahahati sa 9 klase: Movers: kayang magpagalaw ng mga bagay gamit ang isip (mala Jean Gray) Watchers: kayang makita ang mga maaring maganap sa hinaharap (mala Madam Auring??) Sniffs: kayang malaman ang nakaraan at ang iyong kinaroroonan gamit ng pang-amoy (mala Kiba from Naruto) Shadows: kayang itago ang isang bagay o isang tao laban sa mga iba pang me kakayanan (wala na akong maisip na ibang taong me ganitong kakayanan) Shifters: kayang ibahin ang anyo ng isang bagay pansamantala (mala Kurotopi ng Hunter x Hunter) Stiches: kayang gumamot ng ibang tao sa pamamagitan ng paghawak sa biktima kaya ring baliktarin ang panggamot na ibinigay. (mala Inoue ng Bleach) Bleeders: kayang pumatay ng tao sa pamamagitan ng pagsigaw (mala Super B ng gagambino lol ??) Wipers: kayang magbura ng memorya ng isang tao (mala Lelouch ng Code Geass) Pushers: kayang paniwalain ang sinumang natitigan nya sa mata na ang anumang sabihin nya ay ang katotohanan. Kaya nya ring pasunurin ang sinuman sa lahat ng inuutos nya(mala Lelouch ulit ng Code Geass) Sa mga hindi pa nakapanoood nito na mahilig sa mga ganitong klaseng pelikula, sinasabi ko sa inyo na hindi kayo magsisisi. Eto ang trailer: Sa kabilang dako me nakita akong isang nakakatuwang blog na tungkol sa mga walang kakuwenta kuwentang "super powers". Eto ang link sa blog na nabanggit sa ibabaw: Superuseless.blogspot.com ************ Grabe ang hirap magpost sa tagalog di nako sanay lol |
![]() Henshin I am the man who would walk the path of heaven -tendou- big-bang October 2004 November 2004 March 2007 April 2007 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 multiverse potch gayle katleya kamaru lace tina bang chit don pedro red aika dee cam k.lo prixilluh deinz miku graciella kat-kat michiko Worm hole engadget deviantart skirmisher failblog ultimate-guitar pinoy channel anijunkie one manga mysoju codamon henshin justice superherohype modmyi tysiphonehelp credits Design: adjutant08 basecode: Jane tools
|