|
the halfmoon effect *a very late post*
Saturday, April 4, 2009 napatingala ako sa langit kanina napansin ko ang buwan ngaun ay meron taung half moon hindi whole, hindi quarter kundi halfmoon... kaya naisipan kung magsulat ulit ng aking saloobin sa nakalipas na 2 buwan maraming mga pagbabagong nangyari sa maikling panahon una wala na naman akong nobya saka na natin pagusapan toh dahil wala akong ganang magkwento about dito pangalawa tumanda na naman ako kamakailan lamang ay ipinagdiwang ko ang aking ika dalawampu't dalawang kaarawan ilang oras bago ang pagsapit ng aking karawan ako ay napaisip at nagtanong ano na nga ba narating ko nung una ay nanliit ako sa sarili ko dahil kung ihahambing mo sa mga kaibigan, kaklase, pati na rin mga kaaway noon, tila ba napagiwanan na ako, para bang ang hirap hirap na nilang abutin. ito ay sa kadahilanang mga nagsitapos na sila ng pagaaral, pumasa na sa board exam (congrats pala sa inyong lahat), at unti unti ng natutupad ang kanilang mga pangarap. magdamag din akong nalungkot at nagalit dahil sa aking sariling kapabayaan. nakadagdag pa dito ang di namin pagkakaunawaan ng aking mga magulang bago sumapit ang aking kaarawan. hinintay kong magisa na sumapit ang alas dose at natulog akong kaybigat ng aking dinadala. kinabukasan gumising akong mabigat parin ang aking loob, kinuha ko ang aking telepono para patayin ang alarm. ngunit ng tignan ko ang aking telepono napansin ko na may isang voicemail akong natanggap galing sa isang di inaasahang tao. Ito ay galing sa isang kaibigan na kamakailan ko lamang talaga nakilala. bagaman nagkikita na kami noon at nagkakausap, ngaun ko lamang talaga kami napalapit sa isa't isa. pinakinggan ko ang kanyang mensahe at unti unting gumaan ang aking pakiramdam Eto ang laman ng kanyang mensahe: *kapampangan nya sinabi kaya translate ko na lang sa tagalog* "hi happy happy bday wala lang ayaw kitang batiin ng saktong alas dose kasi laos na un. gusto ko batiin kita paggising mo. wag ka ng masyadong malungkot dahil magiging ayos din ang lahat, nandito lang ako kung kailangan mo ng makakausap at masasandalan" pagkarinig ko dito ako ay napaisip ulit, oo nga naman bakit ako magmumukmok samantalang laging me liwanag na kakibat ang dilim. kaya para sa mga tao dyan na nawawalan na ng pagasa sa kung anu mang dahilan wag tayong malungkot. dahil lumingon ka lang sa paligid mo at siguradong merong isang bagay na maaring magpasaya sau me mga taong maari mong lapitan at merong dyos na di ka tatalikuran. |
![]() Henshin I am the man who would walk the path of heaven -tendou- big-bang October 2004 November 2004 March 2007 April 2007 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 multiverse potch gayle katleya kamaru lace tina bang chit don pedro red aika dee cam k.lo prixilluh deinz miku graciella kat-kat michiko Worm hole engadget deviantart skirmisher failblog ultimate-guitar pinoy channel anijunkie one manga mysoju codamon henshin justice superherohype modmyi tysiphonehelp credits Design: adjutant08 basecode: Jane tools
|